Hari demi hari kulalui
Dengan rasa sakit yang kualami
Dimana ketenangan hatiku
Dimana kedamaian jiwaku
Dimana sukacita yang selalu memenuhi hidupku.
Lenyap… Lenyap sudah…
Keterpurukan… ketidakberdayaan mengganggu hati dan pikiranku.
Namun… sepucuk harapan mulai tumbuh saat aku mengenalmu.
Ketenangan.. kedamaian kembali kurasakan.
Kau… adalah sahabat sekaligus guru bagiku.
Darimu… aku banyak belajar dan berserah diri
Karenamu… aku bisa menghargai arti dari hidup ini
Jeruji besi… menjadi kampus kehidupan bagiku
Mengajariku untuk selalu bersyukur…
Berpikir optimis dan tetap berkarya dalam keterbatasan yang ada.
Sepucuk harapan… memenuhi hatiku
Membangun sebuah harapan baru.
Harapan… bahwa suatu hari nanti… kebebasan dan keadilan membawaku keluar di jeruji besi ini.
Menyambut harapan yang baru.
Sepucuk harapku atas asaku.
-Mary Jane Veloso
September 14, 2018
Wirogunan Prison, Yogyakarta, Indonesia
A SPARK OF HOPE
With each passing day I endure
The pain that I go through.
Where is the stillness of my heart?
Where is the peace in my soul?
Where is the joy that always fill my life?
Gone. Completely gone.
Frustration and helplessness disturb my heart and mind.
Yet a spark of hope began to grow the moment I met you.
Calmness and peace I feel again.
You are my close friend and teacher.
From you I learned much and in you I put my trust.
Through you I value what it means to be alive.
The prison cell serves as my school grounds,
Teaching me to always be grateful,
To think optimistically and keep working within restricted space.
A spark of hope fills my heart,
Growing a new hope.
A hope that one day freedom and justice will take me out of this prison cell.
I welcome that new hope,
A spark of hope for my sake.
-Mary Jane Veloso
September 14, 2018
Wirogunan Prison, Yogyakarta, Indonesia
ISANG KISLAP NG PAG-ASA
Sa araw-araw tinitiis ko
Ang sakit na aking dinaranas.
Nasaan ang kapanatagan ng aking puso?
Nasaan ang kapayapaan ng aking kaluluwa?
Nasaan ang kagalakan na laging pumupuno sa aking buhay?
Naglaho na. Naglaho nang tuluyan.
Pagkabigo at pagkalugmok ay lumiligalig sa aking puso at isip.
Ngunit may kislap ng pag-asang umusbong nang makilala ka.
Kapanatagan at kapayapaan ay muli kong naramdaman.
Ikaw ay matalik kong kaibigan at guro.
Sa iyo marami akong natutuhan at sa iyo ibinigay ko ang aking tiwala.
Dahil sa iyo pinahahalagahan ko ang kabuluhan ng buhay.
Bilangguan ang nagsisilbi kong paaralan,
Nagtuturo sa aking laging maging mapagpasalamat,
Mag-isip nang optimistiko at magpatuloy sa pagkilos sa kabila ng paghihigpit.
May kislap ng pag-asang pumupuno sa aking puso,
Nagpapasibol ng bagong pag-asa.
Isang pag-asang isang araw, ilalabas ako ng kalayaan at hustisya mula rito sa bilangguan.
Tinatanggap ko ang bagong pag-asa,
Isang kislap ng pag-asa para sa aking kapakanan.
Mary Jane Veloso
Setyember 14, 2018
Bilangguang Wirogunan, Yogyakarta, Indonesia
Isinalin sa Filipino ni Mark Angeles, poetry editor ng Bulatlat.
The post Sepucuk Harapan (Isang Kislap ng Pag-asa) appeared first on Bulatlat.